Home NATIONWIDE PCG tumugon sa aviation incident sa La Union

PCG tumugon sa aviation incident sa La Union

MANILA, Philippines – Katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) na tumugon sa aviation incident na kinasangkutan ng isang Cessna Plane 172 sa katubigang sakop ng Barangay Canaoay, San Fernando, La Union nitong Martes, Mayo 21.

Sa ulat ng PCG, ang Coast Guard District Northwestern Luzon (CGDNWLZN) at Special Operations Unit-NWLZN ay tumulong sa CDRRMO sa pagbibigay ng first aid sa mga biktima.

Sila ay dinala sa Lorma Medical Center para sa kinakailangan atensyong medikal.

Napag-alaman na pasado alas-9 ng umaga, dumating ang Marine Environmental Protection sa crash area at naglatag ng 25-meyee oil spill booms upang makontrol ang posibleng oil spill.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa dahilan ng aviation incident. Jocelyn Tabangcura-Domenden