MANILA, Philippines- Nagsagawa ng research expedition para sa pagtatatag ng abseline biodiversity data sa Kalayaan Island Group mula Pebrero 22 hanggang 28 ang Philippine Coast Guard, University of the Philippines, at ang Department of Environment and Natural Resources.
Sa Facebook post, sinabi ng PCG na ang Marine Science Group nito kasama ang UP Marine Science Institute at DENR Biodiversity Management Bureau ay sinusuri ang pagkakaiba-iba at istraktura ng komunidad ng seaweeds, mollusks at iba pang benthic invertebrates, idinodokumento ang biodiversity, kasaganaan, at pamamahagi ng mga seagrasses sa reef flat ng Pagasa Island, nagsasagawa ng mga mollusk survey para mas maunawaan ang mga interaksyon sa tirahan, pati na rin tinutukoy minamapa ang mga priority reef restoration site.
Ito ay magiging “prelude sa isang serye ng mga aktibidad upang i-rehabilitate ang mga coral reef at iba pang marine ecosystem sa West Philippine Sea,” ayon kay Commodore May Marfil, PCG Deputy Chief of Coast Guard Staff for Marine Environmental Protection.
Dagdag pa ni Marfil, ito ay alinsunod din sa mandato ng PCG sa marine environemnt protection at bilang pagkilala sa hindi masusukat na kahalagahan ng kapaligirang dagat at mga mapagkukunan sa mamamayang Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden