Home HOME BANNER STORY PCO sa mga kritiko, bashers ng administrasyong PBBM, “debate is healthy” –...

PCO sa mga kritiko, bashers ng administrasyong PBBM, “debate is healthy” – Sec. Lino

1
0

MANILA, Philippines – “DEBATE is healthy.”

Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Sec. Lino Cayetano nang hingan ng mensahe patungkol sa mga kritiko at bashers ng administrasyong Marcos.

“Maganda ho ang debate. Mabuti ho iyan sa ating demokrasya. Nakabubuti po ‘yan sa polisiya. ang Pangulo ho natin is never shied-away from critics. Ang Pangulo ho natin, gusto itinatanong sa kanya kung ang programang ito ay makatutulong ba sa mga kababayan natin. Ang our President is focus on long-lasting change sa mga programa para mas mabilis makarating sa mga kababayan natin ang mga benepisyo na dapat na natatamasa nito. So, wala po tayong problema engaging with critics, engaging with bashers,” ang litaniya ni Cayetano.

Sinabi pa niya na mas gusto pa nga nila na i-challenge sila.

Kaya nga ang pakiusap ni Cayetano sa mga mamamahayag lalo na sa Malacanang Press Corps (MPC) ay itanong sa kanila kung paano nakabubuti sa sambayanang filipino ang ginagawa nila sa gobyerno.

Tiniyak ni Cayetano na magbababa aniya sila ng isa hanggang tatlong balita sa kung ano ang ginagawa ng Pangulo ngayon ukol sa programa at polisiya.

“At kung sa tingin ninyo ay importante sa sambayanang filipino, itanong ninyo at pag-usapan natin. Pero sana, it’s two ways, pakinggan nyo rin iyong mga pinaniniwalaan namin at ng ating Pangulo na mahalaga sa sambayanang filipino,” anito.

“Sana ho ay himayin natin, doon ho ninyo ipasok ang pagiging kritiko ninyo pagdating sa mga tanong natin patungkol sa gamot program natin at kung gusto nating magtanong tungkol sa politika tulad ng impeachment at iba pa.. puwede..kung tingin namin relevant ang sagot namin, sasagutin namin pero ang pakiusap ho namin at ng bagong administrasyon ng PCO is please help us na mahimay ang mga istorya at mga kuwento na tingin ay mahalaga sa sambayanang filipino,” ang pahayag nito. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here