Home NATIONWIDE PCO umapela sa media: Exercise restraint in coverage to avoid copy cats

PCO umapela sa media: Exercise restraint in coverage to avoid copy cats

1
0

MANILA, Philippines – UMAPELA ang Presidential Communications Office (PCO) sa mga media organizations na umiwas na isama ang anumang detalye ukol sa school shooting incidents na makapanghihikayat ng “copycat acts” o krimeng nagawa sa pamamagitan ng panggagaya sa mga nakalipas na krimen.

Nanawagan si PCO Secretary Dave Gomez sa mga mamahayag na “exercise extreme care and responsibility” sa pagko-cover ng mga insidente na may kinalaman ang menor de edad.

“In particular, we ask for restraint in reporting that may compromise the dignity, safety, and privacy of minors, the bereaved families, and the ongoing response and investigation efforts, and to avoid details that may encourage copycat acts,” ang sinabi ni Gomez.

Tinukoy pa ni Gomez ang insidente kung saan dalawang estudyante ang nasawi, ang isa ay ang mismong bumaril kasunod ng shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University.

Muli namang inulit ni Gomez, na ang lahat ng state media ay dapat na i-exercise ang pinakamataas na level ng pag-iingat sa kung paano iulat ang trahedya.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na inatasan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Department of Education (DepEd) na magsagawa ng nationwide school safety audit.

Sinabi nito na ang resulta at ang pagsisikap ng departamento ay ipinresenta sa Pangulo, kabilang na ang pagkakabit ng metal detectors at CCTV at maging ang pagpapataas sa bilang ng mga security guards para sa malalaking eskuwelahan.

Sa darating na Agosto 25, sinabi ni Castro na ang mga eskuwelahan ay magsasagawa ng nationwide safety drill. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here