Home METRO PCSO: Mga mananaya, bokya sa P60M lotto jackpot

PCSO: Mga mananaya, bokya sa P60M lotto jackpot

134
0

MANILA, Philippines — Walang nanalo sa jackpot ng mga pangunahing lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, Marso 23.

Hindi tumugma ang winning combination na 24-43-28-08-04-27 para sa Megalotto 6/45, na may P15 milyong jackpot prize.

Gayundin, nananatiling walang nanalo ang P45 milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55 matapos walang makakuha ng tamang kombinasyon na 43-33-10-26-42-14.

Ang Megalotto 6/45 ay ibinobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, samantalang ang Grand Lotto 6/55 ay dinidraw tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here