Home METRO 17-anyos tinarakan sa riot sa Maynila, grabe!

17-anyos tinarakan sa riot sa Maynila, grabe!

152
0

MANILA, Philippines – Kritikal ang kalagayan ng isang 17-anyos na binatilyo matapos saksakin sa gitna ng rambol ng dalawang grupo ng kabataan sa Malate, Maynila noong Marso 22.

Ayon sa Manila Police District (MPD), nagkagulo ang dalawang grupo sa kahabaan ng San Andres Street, kung saan armado ang ilan ng bato at metal na bagay.

Sa gitna ng kaguluhan, tatlong beses na sinaksak sa likod ang biktima ng isang 21-anyos na suspek na kinilalang si alias “John” bago tumakas.

Agad rumesponde ang mga pulis at dinala ang biktima sa Ospital ng Maynila (OsMan), kung saan siya ay nananatiling naka-confine.

Samantala, walong menor de edad na sangkot sa rambol ang pansamantalang isinailalim sa kustodiya bago itinurn-over sa Manila Department of Social Welfare (MDSW) Reception and Action Center.

Patuloy namang tinutugis ng pulisya ang suspek na si “John” at iba pang sangkot sa insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here