Home HOME BANNER STORY Peace rally ng INC, walang kinalaman sa video ni Zaldy Co

Peace rally ng INC, walang kinalaman sa video ni Zaldy Co

278
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Edwil Zabala, tagapagsalita ng Iglesia Ni Cristo (INC), na walang kaugnayan ang isinasagawa nilang peace rally sa mga inilabas ng video at rebelasyon ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co laban Kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr at dating House Speaker Martin Romualdez.

Ginawa ng INC ang paglilinaw kasunod ng pagkwestiyon ni Mamamayang Liberal party-list Representative at House Deputy Minority Leader Leila de Lima sa timing ng mga video ni Co, lalo na’t kasabay itong inilabas habang tumatakbo ang tatlong araw na Rally for Transparency and a Better Democracy ng INC.

Paglilinaw pa ng INC, bukas ang protesta sa lahat, pero hindi dapat madawit sa politika ang mga panawagan ng grupo.

Giit ng INC, tutol sila sa anumang hakbang na lalabag sa Konstitusyon, at nananawagan lamang sila ng mga legal at mapayapang paraan ng pagkilos.

Tutol din sila sa revolutionary government, coup d’état, snap elections, o civilian-military junta.

Samantala, batay sa pinakahuling datos ng Manila Police District, umabot na sa mahigit 300,000 ang mga lumahok sa ikalawang araw ng peace rally ng INC sa Quirino Grandstand ngayong Nobyembre 17. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here