MANILA, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI)-Bacolod ang isang 61-anyos na pekeng dentista sa ikinasang entrapment operation sa Barangay 2, Victorias City, Negros Occidental.
Narekober ng NBI ang isang dental chair at iba pang mga kagamitan sa clinic ng suspek.
Inihain na ng NBI ang reklamong paglabag sa Republic Act (RA) 9484 o Philippine Dental Act of 2007 laban sa suspek.
Sa ilalim ng RA 9484 ay binibigyang regulasyon ang pagsasagawa ng dentistry, dental hygiene, at dental technology sa Pilipinas.
Nagbabala naman ang NBI sa mga taong kumukuha ng serbisyo mula sa mga pekeng dentista na iwasan na ito dahil sa posibleng dalang panganib sa kanilang kalusugan. RNT/JGC