MANILA, Philippines – Arestado ang isang pekeng dentista sa isang entrapment operation sa kanyang tirahan sa Sitio Tubigan, Matabungkay, Lian, Batangas.
Ang operasyon ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Criminal Investigation and Detection Group-Batangas sa Batangas City Dental Chapter (BCDC) at Philippine Dental Association (PDA).
Sangkot ang suspek sa illegal na pagsasagawa ng propesyon, at nag-aalok ng iba’t ibang serbisyo at produkto sa murang halaga sa kanyang hindi lisensyadong clinic sa Barangay Malitam, Batangas City.
Dinala na ang suspek at mga ebidensya sa CIDG-Batangas field office para sa pagproseso at tamang disposisyon.
Nahaharap ito sa reklamong paglabag sa Republic Act 9484 o Philippine Dental Act of 2007. RNT/JGC