Home ENTERTAINMENT ‘Pepsi’ movie, iba na ang title!

‘Pepsi’ movie, iba na ang title!

Manila, Philippines- It’s The Rapists of Pepsi Paloma no more.

Hindi na nga ito ang magiging pamagat ng controversial movie ni direk Darryl Yap.

It will simply be titled “Pepsi Paloma.”

May ilang mga pagbabago rin ang kaakibat ng change of title.

Bale ang magsisilbing distributor nito ay ang Pinoyflix Films and Entertainment Co. ni direk JR Olinares.

Ito ang inanunsyo niya sa mediacon ng isang collaborative project with Chavit Singson of which he’s the supervising producer.

Dahil si JR na ang sumalo ng PP, klaro ang usapan nila ni direk Darryl.

Magko-comply pa rin siya sa mga hinihinging requirements ng MTRCB.

Ang mga ito ay ang certification mula sa Muntinlupa Trial Court at mula sa prosecutor.

As of now, kulang pa raw ang kailangan nilang isumite from their end.

Good thing, wala naman daw TRO o Temporary Restraining Order imposed on the movie.

Solved na rin kaya ang feeling ni direk Darryl? Ronnie Carrasco III