
MANILA, Philippines – Hindi lamang mangga sa Guimaras ang makikilala kundi maging ang mangga sa Pangasinan, ito ang tiniyak ni senatorial candidate Camille Villar kasabay ng pagsuporta para lumakas ang mango farming sa lalawigan.
Si Villar ay bumisita kamakailan sa
San Carlos, Pangasinan at aminado itong “nainlove” sya sa mangga ng Pangasinan.
Pinasalamatan nito si San Carlos City Mayor Julier “Ayo” Resuello sa pagimbita sa kanya sa Mango-Bamboo Festival na ginanap sa Rizal Avenue, San Carlos City.
Ang mangga ang ikalawa sa pinaka-consumed product sa buong mundo na nasa 28%, ang una ay ang saging na nasa 29.4.
Ang Pilipinas ang ika-sampo sa mango production sa buong mundo.
“Ang mangga po ang ‘second largest most used fruit in the world’ kaya’t nakaka-proud po na ito ang isinusulong na industriya ninyo dito sa San Carlos,” ani Villar.
“Bukod po diyan ay ibang klase ang tamis ng ating Philippine mangoes, at meron pa nga po tayong tinatawag na ating carabao mangoes kaya’t dahil nga po diyan ay todo-suporta po tayo sa paggawa ng polisiya na magpapataasng ani at kalidad ng mangga sapamamagitan ng pagsuporta sa ‘High Value Crops Development’ program ng Department of Agriculture,” pagtiyak ni Villar.
Sinabi ni Villar na kanyang isusulong sa Senado ang pagpapataas sa mango industry partikular sa orchard management at fruit processing.
“Kitang-kita po natin na napakalaki ng potensyal ng industriyang ito at marami pa po tayong pwedeng gawin, marami pa po tayong magagawa para magtuloy-tuloy ang pag-improve ng industriya ng mangga lalo na dito sa San Carlos para po magkaroon ng karagdagang kaalaman sa produksyon, sa orchard management, maaring sa technology ng processing para lalo pa pong tumaas ang yield at production ng ating mga mango producers,” pagtatapos pa ni Villar. Gail Mendoza