Photo Enhancement and restoration by Adlai Jan Garcia Jawid
Manila, Philippines – True to his promise, “I’m finishing the movie!”
Ito ang salitang binitiwan ni direk Darryl Yap patungkol sa kanyang kontrobersyal na pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma.
Ayon mismo sa kampo ni Yap, tuloy ang pagpapalabas nito sa Pebrero.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na rating ang MTRCB.
Matatandaang nito January 17 ay kapwa umattend sina Vic Sotto at Yap sa itinakdang summary hearing kaugnay ng isinampang writ of habeas data ng TV host-comedian.
Sumipot ang dalawa sa Branch 205 ng Muntinlupa RTC umaga ng araw na ‘yon.
Nauna rito ay ipinag-utos ng korte ang gag order sa magkabilang kampo.
big sabihi ay mahigpit na ipinagbabawal sa magkabilang partido ang magbigay ng komento.
Hinihiling kasi ng kampo ni Vic na tanggalin sa Facebook account ni Yap ang teaser ng nasabing pelikula pati na rin ang ibang promotional materials nito.
Malinaw kasi ang pagkakabanggit sa pangalan ni Vic na siya umanong nang-rape sa dating bold star base sa tanong ni Charito Solis.
Samantala, hindi nakaligtas sa mga mapanuring mata ng publiko ang parehong luxury car na gamit nins Vic at Yap noong araw ng hearing.
Lexus ang gamit nilang sasakyan.
Inisip tuloy ng ilan na may mga naimpluwensyang personalidad ang nasa likod ng Pepsi Paloma movie, bagay na mariin nang pinabulaanan ni Yap.
Sa kanyang FB account din naka-post ang February playdate nito.
Ito’y sa kabila ng public opinion na malabo itong pahintulutan ng MTRCB dahil pamangkin ni Vic ang kasalukuyang chairman nito, si Lala Sotto na anak nina Tito at Helen Gamboa. Ronnie Carrasco III