Home ENTERTAINMENT Uge, vlogger na!

Uge, vlogger na!

Manila, Philippines- Kakaririn na rin ni Eugene Domingo ang pagba-vlog!

Ito ang excited na ibinahagi ng komedyana sa kanyang Instagram.

#BondingWithIge ang ipinost niyang pamahat nito.

With her post cane habang nagba-vlog na siya at may video pang kasama.

Medyo alanganin pa si Uge sa susubukang field dahil nagtanong siya kung: “Kaya kaya ito?”

In-assure naman siya ng kanyang makakasama na: “Kayang-kaya…tandaan mo, pinasok-pasok

natin ‘tong kalokohang ito!”

But of course, it’s not a foolish endeavor.

Hamon ‘yon sa pagiging imaginative at creative ni Eugene in terms of hatching contents o lalamanin ng kanyang vlogs.

For sure, nakumbinsi rin si Uge dahil paraan din niya ‘yon para kumita lalo’t wala siyang regular means of income.

May shows pa ba siya sa GMA?

If none, vlogging is the answer!

Hindi pa man ay marami nang nagpapahatid ng words of encouragement kay Eugene.

Post ni Alessandra de Rossi sa tanong niya kung kakayanin daw ba niya ang vlogging: “Kayang-kayaaaa!”

Maging si Jhong Hilario ay inuurutan si Uge to make a go for it: “Go, Ate Baby!”

An active vlogger herself, sey naman ni Aiko Melendez: “Finally, mare. I’m excited for your contents!”

Let’s face it, offers come few and far between for Eugene kaya it’s about time she joined the bandwagon! Ronnie Carrasco III