MANILA, Philippines – Tumaas ng 3.3 percent ang cash remittances mula sa overseas Filipinos noong Setyembre.
Katumbas ito ng $3.01 bilyon na mas mataas sa $2.91 bilyon sa kaparehong buwan noong 2023, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Biyernes, Nobyembre 15.
Nangangahulugan ito na umabot sa $25.23 bilyon ang total cash remittances sa unang 9 buwan ng taon, mas mataas na $24.49 billion na naitala sa unang 9 buwan ng 2023.
Lumago ang cash remittances dahil sa mas maraming receipts mula sa land at sea-based workers.
Tumaas ang personal remittances mula sa mga Pinoy abroad ng 3.3 percent sa $3.34 billion noong Setyembre, mula sa $3.23 billion sa nagdaang taon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, tinatayang 2.16 milyong Pinoy ang nagtatrabaho abroad, o pagtaas na 9.18 percent mula sa nagdaang taon na 1.96 milyon. RNT/JGC