Home HOME BANNER STORY ‘Period of national mourning’ para kay Pope Francis ideneklara ni PBBM

‘Period of national mourning’ para kay Pope Francis ideneklara ni PBBM

0
‘Period of national mourning’ para kay Pope Francis ideneklara ni PBBM

MANILA, Philippines – IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ‘period of national mourning’ o panahon ng pagluluksa kaugnay ng pagpanaw ni Pope Francis.

Sa Proclamation No. 871 na inilabas ng Malacañang noong araw ng Miyerkules, nakasaad na agad na epektibo ang nasabing pambansang pagdadalamhati at magtatagal hanggang mailibing ang Santo Papa.

Sa bisa ng nasabing proklamasyon, ang Philippine flag sa lahat ng tanggapan ng gobyerno, sa loob man o labas ng bansa, ay ilalagay sa half-mast mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog ng araw.

Nakasaad sa proklamasyon na mayroong natatanging lugar sa puso ng bawat Pilipino si Pope Francis, matapos ang kaniyang Apostolic Visit sa Pilipinas noong 2015 kung saan nagpaabot siya ng pakikiisa sa mga biktima ng Bagyong Yolanda at pinapurihan ang katatagan ng pananampalataya ng mga Pilipino sa kabila ng mga pagsubok.

“The passing of Pope Francis is a moment of profound sorrow for the Catholic Church and for the Filipino people, who recognize him as a global leader of compassion and a tireless advocate for peace, justice, and human dignity,” ang nakasaad sa proklamasyon.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang proklamasyon noong ika-23 ng Abril, 2025.

Samantala, tiniyak naman ng Malacañang ang pagdalo nina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa libing ng Santo Papa sa St. Peter’s Square sa Vatican City, na nakatakda ng alas-10 ng umaga (4 p.m. Manila time), araw ng Sabado. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here