Bihirang mag-endorso ng pulitiko si Doc Willie Ong, kaya’t kapansin-pansin ang buong suporta niya kay Senadora Imee Marcos ngayong halalan.
Ayon kay Doc Willie, parehong adbokasiya nila ang abot-kayang serbisyong medikal para sa lahat.
Noong 2019, nagtulungan sila para matulungan ang mga batang may congenital heart disease—halos 2,000 na ang natulungan.
Ipinahayag naman ni Imee na prayoridad niya ang suporta sa mga Barangay Health Workers (BHWs), Rural Health Units (RHUs), at libreng dialysis para sa mga kapus-palad.
Aniya, “Sama-sama tayong lalaban—para sa mga BHWs, RHUs, heart warriors, at dialysis patients.”
Pinuri rin niya si Doc Willie bilang tunay na kaagapay sa serbisyo at hindi lamang sa pulitika. RNT