Home NATIONWIDE Persons of interest sa HOR official slay, tukoy na ng PNP

Persons of interest sa HOR official slay, tukoy na ng PNP

MANILA, Philippines – Kilala na ng Philippine National Police (PNP) ang mga person of interest sa pagpaslang sa 63-anyos na opisyal ng House of Representatives na binaril habang nasa kaarawan ng kanyang anak sa Quezon City.

Kinumpirma ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III na isang espesyal na task force ang humahawak sa kaso, na tinukoy bilang planadong pag-atake.

“May mga persons of interest tayo. The investigation is still ongoing, manhunt operation is still ongoing and we hope to resolve this case as soon as possible,” ani Torre sa isang media interview.

Dalawang salarin ang pumasok sa pribadong lugar, binaril sa ulo ang biktima, at tumakas sakay ng motorsiklo matapos paputukan ang guardhouse. Idineklarang patay ang biktima sa ospital.

Limitado pa rin ang detalye habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT