Home NATIONWIDE 100 pang Chinese POGO workers ipinadeport ng PAOCC

100 pang Chinese POGO workers ipinadeport ng PAOCC

MANILA, Philippines – Ipinadeport ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Bureau of Immigration ang 100 Chinese nationals nitong Martes, Hunyo 17, bilang bahagi ng kampanya laban sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Naaresto ang mga ito sa apat na magkakahiwalay na operasyon mula Agosto 2024 hanggang Pebrero 2025 sa Cebu, Cavite, Parañaque, at Pasay.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na alisin ang mga dayuhang sangkot sa online scam at ilegal na sugal.

Nakipag-ugnayan ang PAOCC sa Chinese Embassy, at ang mga deportado ay lumipad patungong Shanghai sakay ng Philippine Airlines. Santi Celario