Home HOME BANNER STORY Persons of interest sa MSU bombing, 4 na – PNP

Persons of interest sa MSU bombing, 4 na – PNP

MANILA, Philippines – Umakyat na sa apat ang persons of interest (POI) sa pagpapasabog sa Mindanao State University sa Marawi City, iniulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes, Disyembre 5.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na ang dating dalawang POIs ay nadagdagan at naging apat na.

“Now we are looking for at least four persons. Maliban po dito sa POIs natin, may dalawa pa tayong tinitignan na indibidwal na posibleng nag-serve as lookout po dito sa nangyaring pagpapasabog,” ani Fajardo.

Sinabi pa niya na nakakuha na ang mga imbestigador ng CCTV footage na nakuhanan sa labas ng MSU.

Sinusuri na ang video upang mabalikan ang mga naging galaw ng mga POI.

Samantala, idinagdag din ni Fajardo na ang dalawang persons of interest na nauna nilang natukoy ay may criminal records at posibleng may kaugnayan sa local terrorist group na umiiral sa Mindanao.

Matatandaan na noong Linggo ay binulabog ng pagsabog ang misa na nagaganap sa university gym ng naturang unibersidad.

Kumitil ito sa buhay ng apat na indibidwal. RNT/JGC