Home METRO Dayo pinatay sa sakal, isinako sa Caloocan

Dayo pinatay sa sakal, isinako sa Caloocan

MANILA, Philippines – Wala pa ring kaanak na umaangkin sa bangkay ng isang lalaking pinatay umano sa sakal saka isinako at itinapon sa sinasabing paboritong tapunan ng bangkay sa Caloocan.

Isang mangangalakal ang nakatuklas sa naturang sako sa Barangay 176, alas-3 ng hapon nitong Lunes, Disyembre 4.

Maging ang purok lider ng lugar ay hindi pamilyar sa mukha ng biktima kaya’t pinaniniwalaang dayo ito.

Ayon sa pulisya walang anumang pagkakakilanlang nakita sa katawan ng biktima, kaya hanggang ngayon ay blangko pa sila kung sino ang biktima.

Wala pa ring ideya ang mga parak kung sino ang pumatay sa lalaki at kung bakit. Merly Iral