Home NATIONWIDE Paggamit ng intel fund ng pamahalaan, muling suriin kasabay ng Marawi blast...

Paggamit ng intel fund ng pamahalaan, muling suriin kasabay ng Marawi blast – solon

MANILA, Philippines – Dapat ay muling suriin ng pamahalaan ang paggamit ng intelligence funds kasunod ng pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi, Lanao del Sur, na kumitil sa buhay ng apat na katao at 50 iba pang nasaktan, ayon sa isang mambabatas nitong Martes, Disyembre 5.

“I think this is the perfect time for the country to really revisit what are the things that are being done by using these intelligence funds because ultimately this going to happen again,” pahayag ni Lanao del Sur First District Rep. Zia Alonto Adiong sa panayam ng ANC.

“We have to fortify not only within the area, but we also need to collaborate further and intensify our intelligence,” dagdag pa niya.

Ang pagsabog ay naganap kasabay ng misa na idinaraos sa loob ng MSU.

Inako ng Islamic State group na sila ang nasa likod ng pag-atake.

Ani Adiong, nakatanggap sila ng report na natukoy na ng mga awtoridad ang dalawang persons of interest na posibleng responsable sa pagpapasabog.

Nauna nang sinabi ng mga awtoridad na ang pag-atake ay posibleng retaliatory strike dahil sa serye ng mga operasyon ng militar laban sa Islamist militant groups sa mga nakalipas na araw. RNT/JGC