Home NATIONWIDE DOH: Walang outbreak ng ‘walking pneumonia’

DOH: Walang outbreak ng ‘walking pneumonia’

MANILA, Philippines – Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na walang outbreak ng mycoplasma pneumonia o walking pneumonia sa Pilipinas sa gitna ng tumataas na kaso ng respiratory illness sa China at iba pang European countries.

Inulit ni Herbosa na ang pagsirit ng respiratory illness sa China ay hindi dahil sa bagong virus kundi ng mga nakaraang mikrobyo tulad ng mycoplasma pneumoniae, respiratory syncytial virus at influenza.

Sinabi ni Health Undersecretary Eric Tayag na ang mycoplasma pneumoniae ay tila parang COVID-19.

Ayon kay Tayag, nakakahawa ang bacterial infection kaya bago pa man lumitaw ang mga sintomas tulad ng ubo ay maaari na itong maipasa ng infected sa ibang tao sa pamamagitan ng close contact.

Sinabi ng DOH na hinihintay pa ang report ng Philippine General Hospital kung ang pagtaas ng kaso ng pneumonia sa pasilidad nito ay dahil sa mycoplasma pneumoniae.

Sa kabila nito, pinayuhan ni Herbosa ang publiko na sundin ang health protocols noong pandemya gaya ng pagsusuot ng face masks. Jocelyn Tabangcura-Domenden