Home HOME BANNER STORY Pest control ng NAIA ipinatawag ng MIAA sa ipis, surot at daga

Pest control ng NAIA ipinatawag ng MIAA sa ipis, surot at daga

MANILA, Philippines – Sinabi ng Manila International Airport Authority (MIAA) nitong Sabado, Marso 2 na ipinatawag na nito ang housekeeping, exterminators at iba pang service provider ng Ninoy Aquino International Airport para sa isang pagpupulong bukas, Lunes, kasunod ng mga nakitang peste sa paliparan.

Sa pinakahuling viral video, nakita ang ipis na gumagapang sa isa sa mga upuan sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Aminado ang MIAA na hindi katanggap-tanggap ang ganitong mga insidente.

Maliban sa disinfection, ipinatawag na rin ng pamunuan ang housekeeping at pest control service providers ng paliparan para suriin ang kani-kanilang mga kontrata.

“Kung ano pa mang peste yan— ipis, surot, rodent, anay, ang expectation siyempre, ng airport, inengage namin ang services nila as experts on that field of extermination, then we should have an expectation na wala pong ganitong mga pest or rodents sa ating airport,” ani MIAA Head Executive Assistant Chris Bendijo.

“Kung halimbawa nga ay galing sa ibang bansa ang mga bugs na ito, what process can we put in place para maiwasan yung mga ganito? We will explore that,” dagdag pa niya Bendijo. RNT/JGC

Previous articleKemikal tumagas sa nasiraang tanker
Next articleDBM naglabas ng mahigit P175.9M sa grants-in-aid program ng health, research, development council