Home METRO Kemikal tumagas sa nasiraang tanker

Kemikal tumagas sa nasiraang tanker

MANILA, Philippines – Tumagas ang gas at nagbuga ng usok ang isang chemical tanker makaraang maiulat na masira ang chassis nito sa Quirino Avenue, Maynila nitong Linggo ng umaga, Marso 3.

Ayon sa Manila Special Rescue Force, lulan ng tanker ang 3,000 liters ng concentrated hydrochloric acid o muriatic acid.

Ayon naman sa Bureau of Fire Protection (BFP), tatlong fire trucks at ambulansya ang dumating sa lugar.

Wala namang iniulat na casualties sa ngayon ang BFP kaugnay sa insidente at wala ring kinailangang ilikas na mga residente dahil malayo ang mga bahay sa lugar ng pinangyarihan.

Agad naman binuhusan ng tubig mula sa drainage ang kemikal upang hindi ito gaanong concentrated at hindi gaanong makapaminsala.

Wala rin residente na inilikas dahil sa aksidente dahil malayo ang mga kabahayan.

Ang northbound lane ng Quirino Avenue mula Osmeña Highway hanggang Pedro Gil Street ay pansamantalang isinara sa trapiko, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTuristang Spanish biktima ng gang rape sa India
Next articlePest control ng NAIA ipinatawag ng MIAA sa ipis, surot at daga