Home NATIONWIDE Turistang Spanish biktima ng gang rape sa India

Turistang Spanish biktima ng gang rape sa India

INDIA – Arestado ang tatlong kalalakihan na sangkot sa pag-gang rape sa isang turistang Spanish na nasa isang motorbike trip sa liblib na lugar ng India, kasama ang kanyang asawa.

Ang pag-atake ay nangyari Biyernes ng gabi, Marso 1, sa Dumka district sa eastern state ng Jharkhand, kung saan huminto ang mag-asawa para magpalipas ng gabi sa kanilang tent.

Nagawa pang makahingi ng tulong sa pulis ang babae alas-11 ng gabi, at agad na dinala sa ospital para gamutin, sinabi ni police officer Pitamber Singh Kherwar.

Ani Kherwar, nasa kustodiya ng pulisya ang tatlong indibidwal na may kinalaman sa pag-atake habang tinutugis pa ang iba pang mga suspek. RNT/JGC

Previous articleHinihinalang cocaine bricks, nagpalutang-lutang sa dagat ng Surigao
Next articleKemikal tumagas sa nasiraang tanker