Home OPINION PET-CT SCANNER NG PGH, ILALAAN SA MGA MAHIHIRAP NA PASYENTE

PET-CT SCANNER NG PGH, ILALAAN SA MGA MAHIHIRAP NA PASYENTE

MAYROON ng positron emission tomography – computed tomography (PET-CT) scanner ang Philippine General Hospital bilang pangunahing pinagsasanayan ng mga mag-aaral sa medisina ng University of the Philippines – Manila.

Malaking benepisyong maibibigay sa mga pasyente ng ospital na pawang mula sa sektor ng mga mahihirap sa bansa.

Ayon kay Dr. Gerardo Legaspi, direktor ng UP-PGH, lubhang kailangan ang makina para sa mas detalyadong pagtukoy sa ­diagnosis ng kanser na isa sa mga pangunahing alalahanin ng sistemang pangkalusugan ng ban­sa lalo pa’t apektado nito ang sektor ng mga mahihirap.

Ang PET scan ay gumagamit ng maliit na dami ng radioactive material upang matukoy ang mga sakit tulad ng kanser, heart fai­lure, at mga karamdaman sa utak sa pamamagitan ng pagpapakita kung paano gumagana ang mga tisyu at organo.

Ang CT scan naman ay nagbibigay ng cross-sectional na imahe ng katawan upang matukoy ang mga abnormalidad. Ang magkasamang PET-CT scan ay magbibigay sa mga doktor ng komprehensibong pagsusuri sa isang sesyon.

Pagtitiyak ni Dr. Legspi, ang PET-CT scan ay 80 porsyentong ilalan sa mga mahihirap na pas­yente at 20 porsyento lamang para sa mga may
kakayahang mag­bayad.

Sa kasalukuyan, ang PET-CT scanner ay makakayanan hanggang walong pasyente bawat araw, pero tataas ito sa 15 pasyente kapag naging regular na ang operasyon.

Ang UP-PGH ay nagseserbisyo sa higit 700,000 pasyente taon-taon at nananatiling nangu­ngunang institusyon sa bansa para sa pagsasanay ng mga pro­pesyonal sa pangangalagang pangkalusugan.

Sa panahon ngayon, duma­rami ang mga pasyente may can­cer patients, ang nakakalungkot, wala silang kakayahan magba­yad ng Pet scan dahil ang rate na umaabot sa 56k hanggang 70k. Habang isinusulat ko ang artikulong ito, umaasa ako na ang PGH ay maglilingkod din sa pasyente mula sa ibang ospital, hindi lamang pasyente ng PGH. Hindi naman nila gusto magkasakit, ngunit, umaasa ang mga pasyenteng may kanser, magamot pa sila at madugtungan pa ang kanilang buhay.