Home NATIONWIDE PETA: Kaligtasan ng mga alagang hayop tiyakin sa gitna ng bagyo

PETA: Kaligtasan ng mga alagang hayop tiyakin sa gitna ng bagyo

156
0

MANILA, Philippines- Hiniling ng People for the Ethical Treatment of Animals Asia (PETA) nitong Miyerkules sa publiko na kung posible ay huwag iwanan ang mga alagang hayop sakaling lumikas, sa gitna ng pagbahang dulot ni bagyong Carina.

“If at all avoidable, never leave your animals behind to fend for themselves when evacuating,” saad sa abiso ng PETA.

“Never tie animals up or leave them caged or confined in any way, as they will be trapped and unable to flee rising floodwaters,” dagdag nito.

Samantala, sinabi ng PETA na dapat tiyakin ng owners na makaaakyat ang mga alagang hayop sa ikalawang palapag, kung meron, upang makaiwas ang mga ito sa baha.

Gayundin, sinabi ng PETA na dapat ilagay sa mga kulungan ang maliliit na hayop kapag lilikas dahil maaari silang maapektuhan ng malalakas na tunog at hindi pamilyar na kapaligiran.

Bukod dito, dapat ding magdala ang owners ng sapat na pagkain at tubig para sa mga alagang hayop.

“Watch for other animals in need, including strays and animals who have been left behind by neighbors,” anang PETA.

Samantala, inihayag ng PETA na maaaring tawagan ang rescue line nito sa 0999 888 PETA (7382). RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here