MANILA, Philippines – Sinabi ni Nesthy Petecio na nagpapasalamat siya sa mga sumuporta sa kanya habang natapos ang kampanya ng boksingero sa 2024 Paris Olympics noong Huwebes.
Nakuha ni Petecio ang isang bronze medal pagkaraang mabigo laban kay Julia Szeremeta ng Poland sa semifinals.
Pinipigilan ang kanyang mga luha, sinabi ni Petecio na nagpapasalamat siya na ligtas siya sa laban.
“Pinipigilan kong umiyak. Unang-una, nagpapasalamat po ako kay Lord dahil niligtas niya ako sa laban kanina,” ani Petecio. “Nagpapasalamat ako sa pamilya ko, inabangan nila ang laban ko.”
Sinabi naman ni Association of Boxing Alliances in the Philippines chairman Ricky Vargas na ang mas mahalaga ay kung paano hinarap ni Petecio ang pagkatalo.
“Masakit at I’m more in pain for the boxers, but ang importante is how she took it — with pride, nasa gitna siya ng ring, she raised her hands, she bowed to everybody,” ani Vargas.
Si Petecio ang naging unang boksingero na nakakuha ng dalawang Olympic medals dahil nagkaroon din siya ng pilak sa Tokyo tatlong taon na ang nakararaan.
Bukod kay Petecio, may bronze medal din ang boksingero na si Aira Villegas.
Ang Pilipinas ay kasalukuyang may kabuuang apat na medalya, kasama ang dalawang gintong medalya ni Carlos Yulo.