Home NATIONWIDE Petisyon kontra 2025 national budget, ipinababasura ng OSG

Petisyon kontra 2025 national budget, ipinababasura ng OSG

MANILA, Philippines – Ipinababasura ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema ang petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng 2025 General Appropriations Act.

Nakasaad sa walumpu’t siyam na pahinang komento ng OSG na ang petisyon ni Atty Vic Rodriguez ay isang tangka lamang na harangin ang pagpapatupad ng isang batas na instrumento sa pagpapaunlad ng bansa.

Iginiit ng OSG na depektibo ang petisyon ni Rodriguez at wala itong matibay na merito.

Una nang naghain ng petition for certiorari and prohibition sa Korte Suprema si Rodriguez dahil sa umano’y mga blankong item sa Bicameral Committee Report, ang kawalan ng subsidiya ng Philhealth, at pagbawas sa pondo para sa edukasyon.

Itinakda ng Korte Suprema ang oral arguments sa usapin sa Abril 1. TERESA TAVARES