Home HOME BANNER STORY Petisyon ng pagpigil sa pagpapatupad ng ICC warrant, ‘di paghiling na i-acquit...

Petisyon ng pagpigil sa pagpapatupad ng ICC warrant, ‘di paghiling na i-acquit ng SC – Sen. Bato

54
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Korte Suprema (SC) na ang kanyang petisyon na pigilan ang pagpapatupad ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) ay hindi nangangahulugan na inaangkin niya ang pagiging exempted sa anumang legal na pananagutan.

“Any accountability, should there be any, must be grounded in law, including when the government is the party seeking,” ayon kay Dela Rosa sa kanyang sagot sa komento ng government lawyers.

Nilinaw din niya na hindi niya hinihiling na siya ay i-acquit ng Korte Suprema.

Giit niya, bago maaresto ang sinumang Pilipino sa bisa ng foreign o international process, kailangang ito ay maipasa muna sa ilalim ng batas ng Pilipinas at sumailalim sa independent na judicial determination sa bansa.

“No foreign tribunal, no executive department, and no international body is the final and authoritative voice on what Philippine law requires within Philippine territory,” dagdag niya.

Sa kanyang reply na inihain noong Mayo 18 sa pamamagitan ng kanyang mga abogado, hiniling din niya sa SC na maglabas ng temporary restraining order (TRO) para pigilan ang pag-aresto sa kanya batay sa ICC warrant, Interpol notices, o iba pang international requests.

Tinukoy din niya ang mga pahayag ng ilang opisyal ng gobyerno, kabilang ang Pangulo at iba pang ahensya, tungkol sa hindi pakikipagtulungan ng Pilipinas sa ICC matapos umatras ang bansa sa Rome Statute noong 2019.

Binanggit din niya ang umano’y hindi pagkakapare-pareho ng posisyon ng gobyerno, habang may mga ulat din na nagsasabing may umiiral na arrest warrant at maaari siyang arestuhin kung lalabas ng bansa.

Iginiit pa ni Dela Rosa na mali ang akusasyon na siya ay “fugitive,” at sinabing patuloy siyang lumalahok sa mga legal na proseso at hindi nagtago o umiwas sa batas.

Samantala, sinabi ng Office of the Solicitor General (OSG) na dapat tanggihan ang kanyang petisyon at kinilala siya bilang isang “fugitive from justice” dahil umano sa kanyang mga kilos para umiwas sa pananagutan.

Patuloy pang pinag-aaralan ng Korte Suprema ang kaso, at maaaring magpatawag ng special session upang talakayin ang isyu bago matapos ang buwan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here