Home NATIONWIDE Petisyon sa bagong panuntunan ng DOJ, binasura ng SC

Petisyon sa bagong panuntunan ng DOJ, binasura ng SC

178
0
Supreme Court

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon laban sa bagong panuntunan o standard of proof ng Department of Justice (DOJ) para sa preliminary investigation at inquest.

Sa kanilang desisyon, idineklara ng SC En Banc na ang Department Circular No. 15, series of 2024 ay isang lehitimong paggamit ng kapangyarihan ng DOJ sa mga proseso ng pag-uusig.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang circular ng DOJ na nagtataas ng standard of proof mula sa probable cause patungo sa prima facie evidence na may makatwirang katiyakan ng conviction.

Ayon sa mga panuntunan, kailangang tiyakin ng mga prosecutor na ang ebidensiya para magsampa ng kaso laban sa isang tao ay sapat upang patunayan ang lahat ng elemento ng krimen at magresulta sa conviction.

Bagamat eksklusibo sa Korte Suprema ang kapangyarihan upang magtakda ng mga panuntunan sa lahat ng korte, binigyang-diin nito na ang preliminary investigation ay isang executive function at hindi judicial.

Gayunpaman, nilinaw ng SC na ang mga panuntunan ng DOJ ay limitado lamang sa preliminary investigations at inquests na isinasagawa ng mga prosecutor at hindi nito idinidikta ang mga proseso sa korte. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here