Home NATIONWIDE Petisyon sa pagdalo nina Estrada, Marcoleta ihihirit ni Cayetano sa impeachment court

Petisyon sa pagdalo nina Estrada, Marcoleta ihihirit ni Cayetano sa impeachment court

1
0

MANILA, Philippines – Hihilingin ni Senator-judge Alan Peter Cayetano sa Impeachment Court na magkaisa upang maghain ng pormal na petisyon sa Sandiganbayan upang makadalo sina Senador Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta sa paglilitis ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam pagkatapos mag-adjourned ang impeachment court, sinabi ni Cayetano na kanilang bibisitahin si Marcoleta na sumuko sa Sandiganbayan pagkatapos magpalabas ng warrant of arrest sa kasong plunder.

Kakausapin din niya ang impeachment court na magkaisa upang makapaghain ng petisyon sa Sandiganbayan na payagan sina Marcoleta at Estrada na dumalo sa paglilitis kay Duterte.

“Definitely, ay bibisitahin namin ang una safety nila, pangalawa, na dapat maka-attend sila,” ayon kay Cayetano.

Aniya, ang gusto nitong mangyari na magkaisa ang impeachment court na maghain ng petisyon sa Sandiganbayan upang payagang makadalo ang nakakulong na senador na senator-judge ng impeachment court.

“Ang gusto ko sana mangyari ay magkaisa yung impeachment court. Tutal, sinabi na natin na 16 to convict. So pagka hindi maka-attend yung dalawa, eh considered ng acquittal yun. So walang mananalo dun. Kasi hindi lang ma-appreciate yung evidence. So pwede kaming sumulat or makipag-coordinate. When I say coordinate, hindi kausap. Formal na pleading sa Sandiganbayan, stating our case and asking them to allow the two senators to attend,” paliwanag ni Cayetano.

Sinabi pa ni Cayetano na hindi rin malinaw sa ruling ng Sandiganbayan kung suspendido si Estrada bilang senador lamang o suspendido din bilang senator-judge alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas.

“Pero suspended ba siya both as a senator and as a senator-judge or suspended lang siya as a senator? And in case na suspended siya as both, meron namang 3 months lang yun eh. Eh yung kaso na ‘to, mahigit 3 months. So, hindi ba siya pwedeng manood at makita? Kasi iba yung personal eh. Nakikita mo yung witnesses at iba yung nakakapag sulat o note sa amin kung anong gusto niyang itala,” paliwanag ni Cayetano.

“The reality is this is sui generis. So wala sa lahat ng libro ng batas ito at paano nga maa-apply yung mga batas sa suspension, sa anti-graft. Kasi hindi naman nabasa lahat ng sitwasyon na katulad nito na ang dami na nakulong, marami pa silang gustong i-kulong,” dagdag ng senador. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here