MANILA, Philippines – Bumaba ng dalawang pwesto ang Pilipinas, o nasa ika-45 sa 89 bansa sa “Best Countries List” sa taunang ranking ng US News and World Report.
Ang survey ay isinagawa sa 17,000 indibidwal sa buong bansa.
Pinagbasehan sa ranggo ng Pilipinas at iba pang participating countries ang 73 iba’t ibang katangian na maiuugnay sa isang matagumpay at modernong ospital.
Batay sa datos, nakakuha ang Pilipinas ng 25.0 overall total score, o ika-19 pwesto sa “Open for Business,” na nangangahulugan ng mas murang gastos at buwis para sa mga negosyante sa bansa.
Nanguna naman sa listahan ang Switzerland sa score na 100.0, dahilan para itanghal itong “Best Country for 2024.”
Ikalawa naman dito ang Japan sa score na 96.6, habang ang Estados Unidos ang nasa ikatlong pwesto sa score na 94.2.
Ang ranking system na ginamit ay na-develop ng global marketing and communications services company na WPP at proprietary nitong BAV brand analytics tool, at ni Professor David Reibstein ng Wharton School of the University of Pennsylvania. RNT/JGC