Home NATIONWIDE PH ‘attractiveness’ sa foreign investors bumaba noong 2024  

PH ‘attractiveness’ sa foreign investors bumaba noong 2024  

MANILA, Philippines- Bumaba ng isang pwesto ang Pilipinas pagdating sa pagiging kaakit-akit sa foreign investors sa emerging economies, ayon sa ulat ng global consultancy firm Kearney.

Sa 2024 Foreign Direct Investment (FDI) Confidence Index for emerging markets ng Kearney, ang Pilipinas ay kasalukuyang nasa ika-13 posisyon, mas mababa sa ika-12 pwesto nito noong nakaraang taon.

Subalit, mas mataas pa rin ang pwesto ng Pilipinas kumpara sa Vietnam, na bumaba mula ika-13 pwesto noong 2023 sa ika-18 ngayong taon.

Sa ASEAN, nanguna ang Thailand bilang most attractive destination para sa foreign investors, sa ika-9 na pwesto, sinundan ng Malaysia sa ika-10 pwesto, habang ika-12 naman ang Indonesia.

Hindi kasama ang Singapore sa emerging markets list dahil itinuturing na itong developed market. Ika-8 ang city-state sa Kearney’s global 2024 FDI Confidence Index. RNT/SA