Home METRO PH, Australia, Brunei nagkaisa sa ‘Kasangga’, ‘Seagull’ military drills

PH, Australia, Brunei nagkaisa sa ‘Kasangga’, ‘Seagull’ military drills

SINABI ng Philippine Army (PA) na nakipagtulungan ito sa mga katapat mula sa Australia habang ang Philippine Navy (PN) ay nakipagtulungan sa mga kapwa kasamahan mula sa Brunei upang palakasin ang kanilang mga kakayahan at kahandaan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng dalawang magkahiwalay na pagsasanay na tinawag na “Kasangga” at “Seagull”.

Nabatid na nagsimula ang Philippine Army-Australian Army Exercise (PAAAAE) Kasangga 2024-2 sa Camp Elias Angeles sa Pili, Camarines Sur noong Lunes, Oktubre 14.

Nabatid kay Col. Louie Dema-ala, tagapagsalita ng PA, na 216 Pilipino at 50 sundalo ng Australia ang kalahok sa inaugural combined training exercise sa pagitan ng dalawang pwersa sa rehiyon ng Bicol hanggang Nobyembre.

“Ang Exercise Kasangga ay naglalayon na pahusayin ang mga kasanayan at palakasin ang interoperability ng parehong hukbo sa iba’t ibang mga gawain sa pakikipaglaban sa digmaan,” sabi ni Dema-ala.

Sinabi niya na ang pinagsamang ehersisyo ay sumasaklaw sa mga kritikal na lugar tulad ng urban operations, close combat techniques, combat shooting, at tactical casualty care.

Aniya, sasailalim din ang mga sundalo sa pagsasanay sa explosive assault breaching, cybersecurity operations, mortar gunnery with forward observers, at Civil-Military Operations (CMO) exchanges.

Ang unang yugto ng Kasangga exercise ay ginanap mula Mayo hanggang Hunyo.

Samantala, kaugnay nito opisyal na nagtapos ang Maritime Training Activity (MTA) Seagull sa Muara Naval Base sa Brunei Darussalam noong nakaraang linggo. (Santi Celario)