Home NATIONWIDE PH consul sa HK nagbabala vs loan sharks na na may sangla-passport...

PH consul sa HK nagbabala vs loan sharks na na may sangla-passport scheme

214
0

MANILA, Philippines – Binalaan ng Philippine Consulate General sa Hong Kong ang mga Filipino laban sa isang dating overseas Filipino worker na naging loan shark na ngayon ay may hawak na mga pasaporte ng mga nanghihiram.

Tumanggi umanong ibalik ng loan shark ang mga pasaorte ng mga umuutang sa kabila na sila ay bayad na , ayon sa post ng Konsulado sa Facebook.

Sinabi ng Konsulado na ayon sa mga biktima, kinukuha ng loan shark ang mga pasaporte ng mga nangungutang na OFW bilang collateral para sa kanilang loans na may interest payment na aabot sa 3 o hanggang 4 na beses sa halaga ng kanilang orihinal na loan.

“On top of this unconscionable rate, the loan shark even refused to return the pawned passports despite several payments made by the victim-debtors,” dagdag pa ng Konsulado.

Ginagawa ang transaksyon mula Pilipinas sa pamamagitan ng digital wallets dahil hindi na nakabase sa Kong Kong ang loan shark.

“The Consulate hereby warns the public against this modus operandi and reminds them that passports are properties of the Philippine Government. These should never be used as collateral for loans as they constitute a violation of the New Passport Act which prescribes severe penalties for the offenders,” sabi ng Konsulado.

PInayuhan naman ang mga nabiktima ng modus operandi ng loan shark na ireport agad ang ganitong pangyayari sa Consulate Assistance-to-Nationals (ATN) Section at sa anumang sumusunod na numero: 2823-8505, 2823-8513, 2823-8514 and 2823-8516.

Maari ding magpadala ng email sa [email protected], para sa tulong at payo , sinabi ng Konsulado.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here