Home NATIONWIDE PH Disaster response efforts, paiigtingin ng OCD

PH Disaster response efforts, paiigtingin ng OCD

MANILA, Philippines – Sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na dapat ay paigtingin ng bansa ang disaster response capabilities nito sa kabila ng mga naipatupad nang pagbabago.

“We have made some gains but we should not stop because the typhoons are also stronger. We should check if we have enough systems in place. If not, we must continuously improve,” saad sa pahayag ni OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno.

Idinagdag pa niya na ang mga hakbang na ito ay kailangan lalo pa’t lumalala na ang mga kalamidad.

“I wish it weren’t true but it is a science-based prediction,” sinabi ni Nepomuceno, na tumutukoy sa pagtaya ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction na ang mga kalamidad ay tataas ng 40% pagsapit ng 2030.

“So we must give this primary importance and a sense of urgency. We must do what we can before it gets too late,” dagdag pa niya.

Idinagdag ni Nepomuceno na handa ang Pilipinas na magbahagi ng mga kaalaman nito at karanasan sa disaster management sa iba pang mga bansa.

“Not a single country in the world can face disasters alone. Even a rich country like Turkey needed assistance in dealing with a major disaster,” aniya.

Binanggit din ni Nepomuceno ang kahalagahan ng pag-iinvest sa disaster mitigation upang mabawasan ang impact ng mga darating pang kalamidad.

“We should not regret our investments in disaster resilience. These investments will save our lives, ” dagdag pa niya.

Ang Pilipinas ang nagsilbing host sa kauna-unahang pagkakataon ng Asia-Pacific Ministerial Conference in Disaster Risk Reduction (APMCDRR) ngayong linggo, kung saan nagsama-sama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, civil society organizations, the private sector, science, academe, at stakeholder groups upang palakasin ang disaster resilience at risk reduction sa Asia-Pacific Region.

Nasa 4,000 delegado mula sa 70 bansa ang nagtipon-tipon sa Manila. RNT/JGC