Home HOME BANNER STORY PH economic growth target tinapyasan

PH economic growth target tinapyasan

MANILA, Philippines- Binago at pinalitan ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang growth target para sa taong 2024.

Sa katunayan, ginawa na lamang itong 6% hanggang 7% range, malinaw na bumaba mula sa nakalipas na target na 6.5% hanggang 7.5%.

Ito ang inanunsyo ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa sa press briefing sa Malakanyang matapos ang 16th full Cabinet meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang DBCC, isang interagency body na binubuo ng mga hepe ng budget and management, finance, at socioeconomic planning, ay may tungkuling suriing mabuti at aprubahan ang macroeconomic targets, revenue projects, borrowing levels, at budget and expenditure ceilings.

Nauna rito, sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto malaki ang posibilidad na tapyasan ng economic managers ng administrasyong Marcos ang kanilang economic growth targets para ngayong taon ng 2024 hanggang 2028. Kris Jose

Previous articleBalisacan: ‘Holistic approach’ sinisilip vs problema sa trapiko
Next articleKelot arestado sa 7 counts of rape!