Home NATIONWIDE PH Embassy sa Beirut naghahanda sa posibleng mass repatriation- DFA

PH Embassy sa Beirut naghahanda sa posibleng mass repatriation- DFA

NAGHAHANDA na ang Philippine Embassy sa Beirut para sa posibleng mass repatriations para sa mga Filipino sa Lebanon sa gitna ng bakbakan sa pagitan ng Israel at Hezbollah.

“Ang Embassy po natin doon [our Embassy there] led by Ambassador Raymmond Balatbat… has been coordinating naman with the Filipino community in taking the steps necessary to initiate mass repatriation in case the need arises, the violence multiplies and it start affecting those neighborhood where there are Filipinos,” ang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Robert Ferrer.

Gayunman, binigyang diin ni Ferrer na ayaw naman muna ng mga awtoridad ng pamahalaan na magpatupad ng mandatory repatriation sa Lebanon, ang katuwiran, maraming Filipino doon ang ayaw na lumisan.

Sa kasalukuyan, nananatiling nakataas sa Alert Level 3 ang Lebanon, na ang ibig sabihin ay maraming Filipino doon ang maaaring boluntaryong umuwi.

Maaari namang itaas sa Alert Level 4, panawagan para sa mandatory evacuation sa oras na magkaroon ng “large-scale internal conflict or full-blown external attack” sa isang lugar.

Tinuran pa ng departamento na mayroong mahigit sa 11,000 Filipino sa Lebanon, karamihan sa mga ito ay pawang mga babaeng household service workers.

“So far, over 500 Filipinos have already returned to the Philippines from Lebanon, while 1,205 more have signified intent to be repatriated in the past 48 hours,” ayon sa DFA.

Nauna rito, hinikayat ng Philippine Embassy sa Beirut ang mga Filipino na lumikas na habang nananatiling available ang commercial flights sa gitna ng nagpapatuloy na pagpapalitan ng rockets sa pagitan ng Israel at Hezbollah.

Pinanindigan naman ni Ferrer na walang Filipino ang napaulat na nasaktan o namatay sa gitna ng nagpapatuloy na labanan.

“Natutuwa kami dahil wala pa, salamat sa Diyos, malaking pasasalamat sa Diyos, wala pang Pilipinong nasaktan doon sa successive waves ng atake ng Hezbollah sa Lebanon, including this one neighborhood in southern Beirut na tinatawag na Hezbollah enclave,” ang sinabi ni Ferrer.

“The DFA wants to reassure everyone that the Philippine Embassy sa Lebanon at ang mga opisyal natin dito sa Maynila ay ginagawa ang lahat para magkaron ng kaligtasan ang mga kababayan natin doon sa Lebanon,” dagdag na wika nito. Kris Jose