Home HOME BANNER STORY PH envoy ipinatawag ng Tsina sa negatibong pahayag

PH envoy ipinatawag ng Tsina sa negatibong pahayag

MANILA, Philippines- Ipinatawag ng Chinese government ang envoy ng Pilipinas sa Beijing kaugnay ng sinasabing negatibong pahayag ukol sa Tsina.

Kinumpirma ng Chinese embassy in Manila na nakipagpulong si China’s Foreign Ministry Director General for the Department of Asian Affairs Liu Jinsong Kay Philippine Ambassador Jaime FlorCruz, gumawa ng pormal na representasyon bilang tugon sa naging pagtawag.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang embahada at ang Department of Foreign Affairs (DFA) ukol sa nasabing pagpupulong.

Sa kabilang dako, isiniwalat naman ng embahada na nagkasundo ngayong taon ang Tsina at Pilipinas para sa “new model” sa pamamahala sa patuloy na alitan sa Beijing sa West Philippine Sea.

Subalit, nananatili umanong  sinisira ng Pilipinas ang salita nito, gaya ng ginawa nito nang hindi alisin ang nakasadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang embahada nang hingan ng paglilinaw kaugnay sa tinatawag na “new model.”

Pinanatili naman ng embahada na ang gentleman’s agreement, na kinumpirma nito na nabuo sa ilalim ng administrasyong Duterte ang dahilan kung bakit hindi tumaas ang alitan sa karagatan hanggang sa tumanggi ang administrasyong Marcos sa naturang kasunduan.

“In the beginning of the current Philippine Administration, the said Agreement was still followed in handling the resupply mission of Ren’ai Jiao,” ayon sa kalatas ng embahada.

“But since February 2023, the Philippine side has ceased to abide by the Agreement, categorically denied its existence, and kept stirring up trouble to provoke incidents. This is the reason behind the constant volatility in Ren’ai Jiao in the past year,” dagdag na wika nito. Kris Jose