Home NATIONWIDE PH foreign debt naitala sa $128.7B sa Q1 ng taon – BSP

PH foreign debt naitala sa $128.7B sa Q1 ng taon – BSP

MANILA, Philippines – Nananatiling nasa ‘manageable level’ ang total foreign debt ng Pilipinas sa unang bahagi ng taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos na ipinakita ng BSP, naitala ang total external debt ng bansa sa $128.7 billion hanggang sa katapusan ng Marso 2024, o mas mataas ng 2.6% o $3.3 billion, mula sa $125.4 billion as katapusan ng Disyembre 2023.

“Despite the increase in the debt stock, the external debt ratio—expressed as a percentage of gross domestic product (GDP)—remains at prudent levels, recording at 29% from 28.7% in the last quarter of 2023,” ayon sa BSP.

Sinabi pa na nananatiling nasa komportableng lebel ang iba pang key external debt indicators ng bansa.

Partikular na rito ang gross international reserves (GIR)— o sukat ng kakayanan ng bansa na magbayad ng import payments at service foreign debt, na nasa $104.1 billion hanggang noong Marso.

Ang first quarter GIR ay nagrepresenta ng 3.8 na beses para sakupin ang short-term debt batay sa nalalabing maturity concept.

Sinabi ng BSP na ang pagtaas sa debt level ay dahil sa local entities’ net availments ng $2.5 billion, na pawang mula sa private sector banks, na nagpataas sa $2.1 billion ng pondo mula sa offshore creditors for general corporate expenditures, refinancing of borrowings, at liquidity purposes.

Pagpapatuloy, sinabi ng BSP na ang $331 million sa net availabilities ng public sector entities sa nasabing panahon ay pawang dahil sa national government para magpondo sa iba’t ibang mga programa at proyekto, kabilang ang inisyatibo para palakasin ang tax system efficiency at pagkakaroon ng environment na angkop para sa digital technology adoption.

“Positive investor sentiment also contributed to the growth in the debt stock as investments in Philippine debt securities by non-residents rose by $1.2 billion,” sinabi ng ahensya.

“In addition, prior periods’ adjustments also increased the country’s debt level by $551 million. The negative $927 million foreign exchange revaluation of borrowings denominated in other currencies amid US dollar appreciation partially tempered the rise in the debt stock,” dagdag pa nito.

Sa katapusan ng Marso 2024, nanatili ang maturity profile ng external debt ng bansa “predominantly medium and long-term in nature,” sa share nitong nasa 86.7%, o $111.6 billion.

Ang public sector external debt ay nasa $78.9 billion, mas mataas ng 1.4% mula sa $77.8 billion sa huling bahagi ng 2023.

Samantala, ang private sector debt naman ay nasa $49.8 billion, o 38.7% ng kabuuan.

Tumaas ito ng $2.2 billion, o 4.7%, mula sa huling bahagi ng 2023 dahil sa bond issuances ng local private banks na nagkakahalaga ng $1.8 billion.

Ayon sa BSP, ang major creditor countries sa Pilipinas ay ang Japan sa $15.2 billion, United Kingdom sa $4.6 billion, at Netherlands sa $3.9 billion. RNT/JGC