Home NATIONWIDE PH foreign reserves naitala sa $104.1B noong April

PH foreign reserves naitala sa $104.1B noong April

58
0

MANILA, Philippines – Nananatiling sapat ang foreign reserves ng bansa sa kabila ng pagbaba na naitala noong Abril, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa preliminary data na inilabas nitong Huwebes, Abril 7, nakita na ang gross international reserves (GIR) ay nasa USD104.1 billion sa pagtatapos ng Abril.

Ang GIR sa nasabing buwan ay mas mababa sa USD106.6 billion na naitala noong Marso at USD105.3 billion noong Abril 2025.

Ito ay binubuo ng foreign‑denominated securities, foreign exchange, at iba pang reserve assets, kabilang ang ginto.

Nakatutulong ito na masiguro ang sapat na dollar liquidity para maabot ang import needs at foreign debt obligations ng bansa, matugunan ang currency volatility, at magbigay ng buffer laban sa external economic shocks.

Sa kabila ng pagbaba, sinabi ng BSP na ang GIR ay nagbibigay ng malakas na external liquidity buffer, na katumbas ng 6.9 buwang halaga ng import ng mga produkto at bayad sa mga serbisyo at primary income.

Sakop din nito ang nasa 3.8 beses ng short-term external debt ng bansa batay sa residual maturity. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here