MANILA, Philippines- Sinimulan na ng gobyerno ang pamamahagi ng food packs at iba pang tulong sa 80,000 residente na apektado ng pagputok ng Mt. Kanlaon, araw ng Lunes.
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakahanda ang pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
Sa katunayan, bumiyahe na si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian patungong Negros Island para pangasiwaan ang relief efforts kasunod ng pagputok ng Bulkan.
Tiniyak naman ng Department of Budget and Management (DBM) na sapat ang pondo para makapagbigay ng karagdagang suporta sa pamilya na pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center.
“We are ready to support the families who have been evacuated outside the six-kilometer danger zone,” ayon kay Pangulong Marcos.
“We’re ready. We know what to do and we have already started to send food packs, and we already started to send all of the things that we [need to] bring to those who are in evacuation centers,” aniya pa rin.
Winika pa ng Chief Executive na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Science and Technology (DOST) ay sanib-pwersa na mino-monitor ang kalidad ng hangin sa mga apektadong komunidad.
“This will help determine whether further evacuations are necessary if Kanlaon continues to emit toxic gases,” pahayag pa niya.
Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na pumutok ang Kanlaon ng alas-3:03 ng hapon, araw ng Lunes. Nag-produce ang pagputok ng ‘massive plume’ na mabilis na umakyat sa 3,000 meters ang ibinuga at tinangay sa Kanluran-Timog-Kanluran.
Dahil dito, itinaas ng Phivolcs ang alert level sa Alert Level 3 (magmatic unrest) mula sa Alert Level 2 (increasing unrest) nagpapahiwatig na ang pagputok ay simula at maaaring dumami sa mas maraming exlosive activity, dahilan para ilikas ang mga residente sa mga apektadong komunidad. Kris Jose