Home NATIONWIDE PH gov’t naglaan ng P984.2M sa pagpapalakas ng ‘youth employability programs’ ng...

PH gov’t naglaan ng P984.2M sa pagpapalakas ng ‘youth employability programs’ ng DOLE

157
0

MANILA Philippines- Nakatanggap ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P984.2 milyon para sa Youth Employability Programs sa ilalim ng fiscal year 2025 National Expenditure Program (NEP).

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na ang Special Program for Employment of Students (SPES) ng DOLE ay nakakuha ng alokasyon na P828.9 milyon, habang ang Job Start Program (JSP) nito ay nakatanggap ng P155.2 milyon.

“Nagkaroon po ito ng substantial na increase of 84 percent from last year’s budget dahil ito po… iyon, P449 (million) po ang naging increase dito,” ayon kay Pangandaman ukol sa alokasyon para sa ‘student and youth employability.’

Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), binanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sama-samang pagsisikap ng iba’t ibang ahensya para palakasin ang potensyal at employability ng mga kabataang Pilipino.

Nauna rito, natanggap ni Pangulong Marcos ang P6.352 trilyong NEP para sa fiscal year 2025 mula sa DBM.

Tinuran ng Pangulo na ang NEP ay nilikha na may kasamang “sukdulang pangangalaga, pagsisikap at masusing atensyon.”

Ang 2025 NEP, tumaas ng 10.1% mula sa P5.758 trillion budget ngayong taon ay naglalayon na iprayoridad ang “food security, social protection, housing, infrastructure, health care, disaster resilience, digital connectivity and energization.”

Alinsunod din ito sa mga mahahalaga at pangunahing prayoridad ng Philippine Development Plan para sa taong 2023 hanggang 2028, nakatuon sa pag-develop at pagprotekta sa kakayahan ng mga indibidwal at pamilya, pag-transform ng production sectors para makalikha ng mas marami pang de-kalidad na hanapbuhay at competitive products; at para sa kapaligiran. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here