Home NATIONWIDE P70B para sa unang 2 tranches ng umento sa sahod ng mga...

P70B para sa unang 2 tranches ng umento sa sahod ng mga manggagawa ng gobyerno kasado

MANILA, Philippines- Ipinanukala ng gobyerno ng Pilipinas ang budget na P70 bilyon para sa una at pangalawang tranches ng umento sa sahod para sa mga empleyado ng gobyerno.

“Iyong 70 billion po para sa adjustment na iyan ng first tranche at saka second tranche for next year kasi gusto po natin simulan na this year iyong first tranche noong ating salary increase,” ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman.

Aniya, ang first tranche ng umento sa sahod ay magiging epektibo noong Enero 2024 at ipinatutupad nang “retroactive.”

“So, iyon po four tranches hanggang 2027 and as of now po, we are perfecting the executive order po and we are hoping po for the issuance of the executive order soon po,” ayon kay Pangandaman.

Nauna rito, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panibagong salary increase para sa government workers sa kanyang ikatlong State of the Nation Address noong nakaraang linggo. Sinabi rin nito na ang government employees ay makatatanggap ng medical allowance.

“Para naman sa ating mga kawani sa gobyerno, meron silang maaasahang medical allowance bilang karagdagang benepisyo sa susunod na taon,” ayon sa Pangulo.

“At hindi lamang yon, meron ding napipintong umento sa suweldo na makukuha nila sa apat na tranche,” dagdag ng Chief Executive.

Tinuran ni Pangandaman na P9.6 bilyon ang inilaan para sa medical allowance ng government workers para sa taong 2025.

“P7,000 each employee po. Wala po kaming ano eh. Sa executive po, noon pong pumasok po ako, matagal na, pero galing ako sa Senate. So, iyong may mga fiscal autonomy, they provide. So, pagdating ko po sa executive, napansin ko, parang wala po kaming medical allowance o HMO, so hindi po kami nakakapagpa-checkup, at least iyong blood test and all.  Tapos, ER wala rin kaming access sa ganoon. So, we pay for it or maybe PhilHealth po. But, I think, this is a nice add to the benefits and allowances na mayroon po ang mga empleyado,” ang litaniya ng kalihim. Kris Jose