LEGAZPI CITY- Patay ang dalawang motorcycle drivers sa isang road accident nitong Miyerkules, Hulyo 31, sa bayan ng Tigaon sa Camarines Sur.
Kinilala ng Tigaon police ang mga biktima na sina Homer Valiente, 53, at Reychard Gasga, 26.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, patungo si Gasga sa Naga City, habang si Valiente ay mula sa kabilang direksyon, subalit lumipat sa kabilang lane dahilan upang magbanggaan ang dalawang sasakyan sa Barangay Mabalodbalod ng alas-9:55 ng hapon.
Kapwa nagtamo ang mga driver ng serious physical injuries at idineklarang patay sa ospital. RNT/SA