Home NATIONWIDE PH gov’t nakapagbigay ng P531M tulong sa mga apektado ng masamang panahon

PH gov’t nakapagbigay ng P531M tulong sa mga apektado ng masamang panahon

MANILA, Philippines- Nakapagbigay na ang pamahalaan ng nasa P531.6 milyong halaga ng iba’t ibang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng southwest monsoon at Bagyong Butchoy at Carina, base sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes.

Saklaw ng nasabing halaga ang food at non-food assistance, ayon sa pinakahuling ulat ng disaster response body.

Naitala ang bilang ng mga pamilyang nangangailangan ng tulong sa sa 1,022,678 mula sa Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, Caraga, National Capital Region, at Cordillera Administrative Region.

“Due to the undetermined number of families requiring assistance in some regions, the total number of families and the corresponding percentage are yet to be determined,” dagdag ng NDRRMC.

Nananatili naman ang death toll sa 48, kung saan 14 pa lamang dito ang kumpirmado.

Sinabi ng NDRRMC na ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura mula sa epekto ng masamang panahon ay sumampa sa P2.03 bilyon at P4.34 bilyon. RNT/SA