Home NATIONWIDE PH gov’t patuloy na maninindigan sa WPS

PH gov’t patuloy na maninindigan sa WPS

167
0

MANILA, Philippines- Patuloy na maninindigan at ipagtatanggol ng Philippine Coast Guard (PCG) at National Maritime Council ang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ito ay makaraang muling makaranas ng harassment ang barko ng Pilipinas at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Bajo de Masinloc kaninang umaga.

Ayon kina National Maritime Council Spokesman Alexander Lopez at Philippine Coast Guard National Task Force on West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, hindi magpapatinag ang bansa sa ganitong harassment ng China.

Hindi rin napapanahon na magpadala ng barko ng Philippine Navy sa West Philippine Sea gaya ng ginawa ng China.

Ang panibagong insidente ng harassment ng Chinese Coast Guard sa BRP Datu Pagbuaya ng BFAR at BRP Teresa Magbanua ng PCG ay nakunan ng video nitong Miyerkules umaga. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here