MANILA, Philippines – Patuloy ang paglago ng manufacturing sector ng bansa sa buwan ng Pebrero, bagamat bahagyang mabagal kumpara sa naitalang paglago noong Enero.
Sa report na inilabas ng S&P Global nitong Lunes, Marso 3, sianbi na ang paglago ng Philippine Manufacturing Purchasing Managers’ Index (PMI) ay humupa sa 51 noong Pebrero mula sa 52.3 noong Enero.
Ang PMI na mas mataas sa 50 ay nangangahulugan ng pag-unlad sa sektor habang ang mababa sa neutral score ay nangangahulugan ng paghina.
“Robust growth observed from the end of the previous year into the beginning of this year waned in February, as the latest survey data indicated slower expansions in output and new orders,” pahayag ni S&P Global Market Intelligence economist Maryam Baluch.
Sinabi rin sa report na bahagyang bumagal ang paglago sa mga bagong order at moderated output, tumaas naman ang employment levels ng mga manufacturer.
“Meanwhile, inflationary pressures eased, thus suggesting that the central bank will continue to proceed with a loosening of its monetary policy. This could in turn boost somewhat weakened business confidence and support further new order growth,” ani Baluch.
Umaasa naman ang mga manufacturer na magpapatuloy ang paglago ng produksyon sa susunod na 12 buwan. RNT/JGC