Manila, Philippines- Kung magkakaroon ng himala sa buhay ng tao ay nais mabuhay ng batikang broadcast journalist na si Korina Sanchez na mabuhay hanggang 120 taong gulang.
Ito’y bilang reaksyon niya sa kanilang banter ni Pinky Webb bago mamaalam sa ere ang February 26 edition ng news program nilang Agenda.
As reported by Bilyonaryo News Channel host Marie Lozano, featured ang bagong Greek restaurant ni Chef Robby Goco sa Cavite.
Ayon sa ulat, sinusunod daw ng nasabing resto ang diet ng mga centenarian.
Centenarian ang katawagan sa taong umabot na sa edad na 100 pataas.
Mga pagkaing pampahaba kasi ng buhay ang sine-serve sa Greek resto na ‘yon.
Hirit ni Korina during the on cam banter: “I have to go there to live until I turn 120!”
Paliwanag ng TV host, mga bata pa raw kasi sina Pepe at Pilar.
Sina Pepe at Pilar–who just turned 6–ay mga anak nila ni Mar Roxas.
Nais daw ni Korina na masubaybayan ang paglaki nito hanggang magbinata’t magdalaga and beyond.
Obyus namang nangangarap lang nang gising si Korina.
But with her healthy lifestyle, hindi imposibleng maabutan niya ang paglaki ng mga bagets–at least in their 40s max. Ronnie Carrasco III